Mahalin ang Sarili
Para po ito sa mga babaeng nadedepress at nagstay pa rin with a partner na na nanakit. Madami po rason, I know this may sound crazy for those who didn’t undergo this… but to me, I stayed because I felt he loves me… May snap issues lang pag nagagalit, nanakit at palala ng palala. Pagkatapos ng bawat pananakit, lalambingin niya ako at okay kami ng maraming months. Tapos uulit uli, this time mas malala. Ang mga kaibigan ko, nagtataka din, bakit di ako umalis? Bakit ko tinago yun? Bakit ko pa rin siya gusto?I was influenced by my family to separate with him and undergo therapy. Dun ko naintindihan na hindi pala acceptable yun at cycle pala talaga siya. These people cannot be in a relationship because they cannot handle themselves, wounded sila and one big blow on my face… is ako din ay wounded dahil I allowed it, and I have to protect my child from this as well. Sa therapy, sinabihan ako na palala talaga ng palala ang pananakit, at walang pinipiling educational background or status ito. Ito ay behavior ng tao na yun, at di ito magigising kaya ikaw na magdecision kung gusto mo pa din magstay at masaktan.
Pero mga ladies, isa sa mga nakapag gising sakin, when I realized, that I have to change within para magbago ang realidad ko. Nasa loob ang kasagutan mga kapatid. Maaring magka partner ka uli, pero kung same pa din ang story sa loob ng subconscious mo na ikaw ay victim, maaring pareho pa rin ang experience mo. It is an innerwork of asking yourself or asking God to help you… and ask why did you tolerate this? How much do you truly love yourself? Do you know your worth? Is your worthiness dependent on other people?
San ba nakasalalay ang kasiyahan mo? I am catholic and christian by faith, and isa sa mga belief system ko ang pagmamahal ay dapat kamukha ni Jesus na nagsacrifice sa iba. Pero may isang lente na nagbago magmula nung naitanong ko yan sa sarili ko. OO nga noh, how valuable we are because God sacrificed His son for us. So why do you allow anyone to abuse you? Hindi ba’t ganuon ka ka precious at para magbigay pasasalamat eh pahalagahan ang ating mga sarili?
Nagbago ang pananaw ko nuon… I realized I dont know how to love, because I dont know how to love and value myself when I tolerated abuse. Friends, we are all valuable in the eyes of God. Mahalin natin ang ating sarili kamukha din ng pagmamahal na ibinibigay sa iba. #lovefrequency #breakthecycle